This is killing me.
....
Daniel: Pwede ba akong magselos? Hindi diba dahil di ako ang asawa mo. Wala akong karapatan sa'yo. Hindi ako ang may-ari.
Katarina: Pero ikaw Daniel ang may hawak ng puso ko. Makakahanap naman tayo ng paraan para makawala ako kay Nathan eh. Magtiwala ka.
D: Magtiwala? Kanino? Saan? Hirap na hirap na ko Katarina. Lagi na lang akong nasa tagiliran mo. Naghihintay ng pagkakataong malapitan ka. Para akong laging nanlilimos ng pagtingin sa'yo, ng panahon. Katarina ang sakit saki.
K: Alam ko. Sandali na lang ang paghihintay mo.
D: Katarina parang di ko na kaya.
K: Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo na ba?
D: Katarina mahal na mahal kita. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Higit kanino pa, higit sa buhay ko. Kung ako ang tatanungin, gusto na kitang ilayo sa mundo, sa lahat ng problema.....