Itutulog na lang
Ayoko ng away sa totoo lang. Lalo na pag ako lang mag-isa, lalo na pag andito ako. Natutunan ko sa extended stay ko rito na kailangan talaga ng communication lalo na pag may problema. Ngayon naiintindihan ko na yung feeling na parang ang hirap itago ng nararamdaman mo pag may nangyayaring mali o ayaw mo sa paligid mo, lalo na kung may point ka naman. Parang sasabog ako palagi pag ganun. Normally, makikipagusap ka sa kaibigan mo tungkol sa mga problema mo at magwawhine ka all day tungkol sa masamang experience na dinanas mo o kaya sa masamang nagawa sa'yo pero parang parehas din naman yang sinabi ko. Pero rito, lalo na sa bahay namin, pag may problema ka sa isang tao, you tell them straight to their face. Walang patumpik-tumpik, walang alinlangan, kasi yun ang nararamdaman mo. Di mo sinasabi yun sa kanila dahil ayaw mo sa kanila pero dahil sa gusto mo sila at you care enough para sabihin sa kanila kung ano man yung bumabagabag sa'yo, even if you find that ridiculous. Hindi ko alam kung feelingero ako o ano pero sinasabi ko parati sa sarili ko na magaling akong bumasa ng tao. Kahit sino ka pa, kahit sobra pang tanda mo sakin, makasama mo ko sa isang bahay sa mahabang panahon o kahit maikli kaya kitang basahin, kaya kong sabihin anong klaseng tao ka, at paano ako makikitungo sa'yo. Minsan iniisip ko nga na masyado akong nag-gigiveway para sa ibang tao kasi ang rason ko palagi sa sarili ko kaya ko naman maging flexible e. Minsan din nahihirapan ako ng sobra. Gusto ko nang tigilan yung naiiyak ako palagi pag sa mga confrontations kaya I try to find ways kung paano ihandle yung mga ganung sitwasyon. At kung nahihirapan man ako, naghahanap din ako ng mga bagay na pwedeng idistract ako sa mga iniisip ko lalo na ngayon na kulong ako rito at wala naman akong magawa talaga rito kundi magpushup, magsitup, maginternet, magbasketball kasi wala naman akong kaibigan talaga rito at parang yung mga kasama ko sa recruiting center ay parang weird lang. Para sakin weird sila, para sa kanila weird ako. Communication gap, di ko maexpress talaga sa salita yung gusto kong ipaintindi sa kanila pero alam ko in time matututunan ko rin dahil sa simula ng training. Yun ang nakakapagpaexcite sakin kasi matututo akong makihalubilo sa mga tao rito, pagpasok ko siguro ng training isa ako sa mga pinakamatanda so ako ang kailangan pa ring umintindi sa mga tao. Minsan nga winiwish ko na sana may isang araw lang, na pwede akong sumabog, walang magagalit sakin, lahat ng hinanakit ko sa buhay ko ilalabas ko. Pagkatapos nun maiintindihan ng lahat ng tao kung bakit ako ganito. Anong nagshape sa pag-iisip ko na maging ganito. Nakausap ko nga nung isang beses yung officemate ni mommy. Sabi nya parang ang strong strong ko raw. Sabi ko parang hindi naman. Mentally tough pala ang ibig nyang sabihin. Sabi ko sa kanya wala naman yun. Marami lang talaga akong pinagdaanan at natutunan sa buhay ko at nakakalungkot lang na it took a lot of time bago ko matutunan yung mga yun. Well, that would be asking too much sa isang tao na bilisan ang progress nya kung mabagal talaga siya. Totoo ngang with age comes wisdom pero parang mas tama yung experience is a great teacher. Babalik na ko sa punto ko kanina. Nahihirapan ako rito mag-isa. It kills me everyday. I try to be happy kasi ayaw kong makita nila akong malungkot at kapag nagsimula na ko mas grabe pang dadanasin ko rito. What gets me through the day e kahit paano natutulungan ko yung mga magulang ko rito at yung kapatid ko kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa ko. Yun lang naman ang kayang kong ioffer sa kanila, or actually kahit kanino. Di ko man sila malibre sa labas, nalulutuan ko naman sila. Di ko man sila mabilhan ng magagarang mga gamit, nalabhan ko naman yung mga damit nila at naitiklop. Same thing sa mga kaibigan ko. Di ko man sila malibre ng pulutuan, mapatawa ko man lang sila na andun ako. E wala naman ako dun, at ngayon, wala namang makagawa nun sakin ngayon. Kaya ayoko ng away, it takes a lot from me. Alam kong mali magcompare pero ako wala akong kasama. Ikaw lang ang kausap ko. Gusto kitang intindihin, pero minsan intindihin mo rin ako. Isipin mo yung mga paliwanag ko sa'yo kung bakit ganito yung mga nararamdaman ko. Take time to think kung anong mararamdaman ko kapag ganito, kapag ganyan. Pero minsan iniisip ko naman wala akong karapatan humingi sa'yo ng kahit ano kasi ikaw yung iniwan ko jan. Ayaw ko naman na ganito ako palagi, na parang sasabog, na pagbibigyan kita kasi ganyan ang naiisip ko kasi walang matitira sakin. Masasaktan ako ng masasaktan kapag ginawa mo yun at di ko sinabi sa'yo na masakit sakin yun. Na importante sakin na gawin mo yun. Hindi ko to sinulat dito para maguilty ka o ano. Gusto ko maintindihan mo na gusto ko ikaw ang makakaalam kapag may problema ako sa'yo. Hindi iba. At ginagawa ko to di dahil wala akong respeto sa'yo kundi sobrang mahal kita.