<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9731248?origin\x3dhttp://wenkkwenkk.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><!-- --><div id="b-navbar"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-logo" title="Go to Blogger.com"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/logobar.gif" alt="Blogger" width="80" height="24" /></a><form id="b-search" action="http://www.google.com/search"><div id="b-more"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-getorpost"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_getblog.gif" alt="Get your own blog" width="112" height="15" /></a><a href="http://www.blogger.com/redirect/next_blog.pyra?navBar=true" id="b-next"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_nextblog.gif" alt="Next blog" width="72" height="15" /></a></div><div id="b-this"><input type="text" id="b-query" name="q" /><input type="hidden" name="ie" value="UTF-8" /><input type="hidden" name="sitesearch" value="freeze-d.blogspot.com" /><input type="image" src="http://www.blogger.com/img/navbar/3/btn_search.gif" alt="Search" value="Search" id="b-searchbtn" title="Search this blog with Google" /><a href="javascript:BlogThis();" id="b-blogthis">BlogThis!</a></div></form></div><script type="text/javascript"><!-- function BlogThis() {Q='';x=document;y=window;if(x.selection) {Q=x.selection.createRange().text;} else if (y.getSelection) { Q=y.getSelection();} else if (x.getSelection) { Q=x.getSelection();}popw = y.open('http://www.blogger.com/blog_this.pyra?t=' + escape(Q) + '&u=' + escape(location.href) + '&n=' + escape(document.title),'bloggerForm','scrollbars=no,width=475,height=300,top=175,left=75,status=yes,resizable=yes');void(0);} --></script><div id="space-for-ie"></div>

Sunday, April 29, 2012

Pagkagising ko sa umaga, ang hirap idilat ng mga mata ko. Parang gusto ko na lang ipikit yung mga mata ko buong araw. Pag nabuksan ko na yung mga mata ko, hindi naman ako makagalaw. Sa malayo nakatingin, di malaman kung anong gustong gawin. Kayakap ko ang mga unan, hinahaplos ang mga himulmul sa mga damit ng mga 'to. Ang kama ko nama'y mainit kaya ang hirap akong bumangon. Kapag naayos ko na yung kama ko, ang hirap naman gumalaw, pero kailangan kasi gusto kong pagsilbihan ang pamilya ko, kahit sa mga simpleng bagay. Pagmamaneho talaga ang pinakahihiligan ko sa mga bagay na ginagawa ko araw-araw. Kapag nagmamaneho ako wala akong naiisip kundi magmaneho, parang pag naglalaro ako ng basketball. Pero di naman ako naglalaro ng basketball araw-araw kaya ito ang pamalit ko sa basketball. Masaya akong nakikinig sa radyo, iba-ibang kanta na sumikat sa iba't ibang panahon. Masayang kumain, lalo na pag luto ng nanay ko. Ewan ko masarap lang sya, di ko maintindihan kasi mas masarap naman magluto yung nanay ng kaibigan ko. Iba talaga ang pagkain pag pagmamahal ang sangkap. Pagkatapos naman kumain ay maghuhugas ng pinggan. Masarap maghugas ng pinggan, Gusto ko yung init ng tubig na dumadaloy sa kamay ko. Siguro yun lang talaga ang gusto ko. Yung init. Ayaw naman ng mga tao ng malamig talaga, lalo na yung lamig na nararamdaman mo pag mag-isa ka. Para sakin, may dalawang tipo ng mag-isa, mayroon yung mag-isa ka sa katawan at meron yung mag-isa ka sa puso. Sa tingin ko di pwedeng sabay mangyari sa isang tao yan. Pag nanonood ako ng telebisyon, nagiging interisante ako. Minsan kahit mababaw, binibigyan ka nilang halimbawa kung ano ka dapat sa pangunahing mga bagay sa buhay ng tao. Sa pamilya, kaibigan at sa mga taong importante sa'yo. Ang pinakagusto ko sa mga pinapakita nilaay yung konsepto ng pag-ibig. Minsan pinaglalaruan tayo ng tadhana, pero kahit anong mangyari, kahit marami mang tututol sakin, pag mahal mo, mahal mo. Ganun kasimple yun. Hindi man magiging perpekto ang kahit anong pag-ibig, ang kahit anong pag-ibig ay perpekto para sa ating mga tao. Magsisipilyo ako bago matulog. Dahil masarap kumain, aalagaan ko ang aking mga ngipin pati na rin ang aking mga gilagid. Ayokong sumasakit ang mga ito habang kumakain ako at kapag sumasakit ang mga ito habang kumakain ako, mahihirapan akong kumain at di ko magagawa yung gusto ko talaga. Sa pagtatapos ng araw ko, ito lang naman talaga ang inaabangan ko sa simula ng araw ko, ang matulog. Yung kama ko, yung mga unan. Kasi gusto kong tumakas. Gusto kong tumakas sa mga panaginip ko. Gusto kong tumakas sa lungkot ko. Gusto kong tumakas sa lungkot.

marnii [8:34 AM]
bahibakk



I want to be an avenger.


marnii [6:02 AM]
bahibakk


Wednesday, April 25, 2012

Sobrang hirap ng hindi ka makapagreklamo kasi alam mo naman na kasalanan mo pero hindi mo kayang di pansinin kasi sobra sobra na.

marnii [3:22 AM]
bahibakk


Saturday, April 21, 2012
Itutulog na lang
Ayoko ng away sa totoo lang. Lalo na pag ako lang mag-isa, lalo na pag andito ako. Natutunan ko sa extended stay ko rito na kailangan talaga ng communication lalo na pag may problema. Ngayon naiintindihan ko na yung feeling na parang ang hirap itago ng nararamdaman mo pag may nangyayaring mali o ayaw mo sa paligid mo, lalo na kung may point ka naman. Parang sasabog ako palagi pag ganun. Normally, makikipagusap ka sa kaibigan mo tungkol sa mga problema mo at magwawhine ka all day tungkol sa masamang experience na dinanas mo o kaya sa masamang nagawa sa'yo pero parang parehas din naman yang sinabi ko. Pero rito, lalo na sa bahay namin, pag may problema ka sa isang tao, you tell them straight to their face. Walang patumpik-tumpik, walang alinlangan, kasi yun ang nararamdaman mo. Di mo sinasabi yun sa kanila dahil ayaw mo sa kanila pero dahil sa gusto mo sila at you care enough para sabihin sa kanila kung ano man yung bumabagabag sa'yo, even if you find that ridiculous. Hindi ko alam kung feelingero ako o ano pero sinasabi ko parati sa sarili ko na magaling akong bumasa ng tao. Kahit sino ka pa, kahit sobra pang tanda mo sakin, makasama mo ko sa isang bahay sa mahabang panahon o kahit maikli kaya kitang basahin, kaya kong sabihin anong klaseng tao ka, at paano ako makikitungo sa'yo. Minsan iniisip ko nga na masyado akong nag-gigiveway para sa ibang tao kasi ang rason ko palagi sa sarili ko kaya ko naman maging flexible e. Minsan din nahihirapan ako ng sobra. Gusto ko nang tigilan yung naiiyak ako palagi pag sa mga confrontations kaya I try to find ways kung paano ihandle yung mga ganung sitwasyon. At kung nahihirapan man ako, naghahanap din ako ng mga bagay na pwedeng idistract ako sa mga iniisip ko lalo na ngayon na kulong ako rito at wala naman akong magawa talaga rito kundi magpushup, magsitup, maginternet, magbasketball kasi wala naman akong kaibigan talaga rito at parang yung mga kasama ko sa recruiting center ay parang weird lang. Para sakin weird sila, para sa kanila weird ako. Communication gap, di ko maexpress talaga sa salita yung gusto kong ipaintindi sa kanila pero alam ko in time matututunan ko rin dahil sa simula ng training. Yun ang nakakapagpaexcite sakin kasi matututo akong makihalubilo sa mga tao rito, pagpasok ko siguro ng training isa ako sa mga pinakamatanda so ako ang kailangan pa ring umintindi sa mga tao. Minsan nga winiwish ko na sana may isang araw lang, na pwede akong sumabog, walang magagalit sakin, lahat ng hinanakit ko sa buhay ko ilalabas ko. Pagkatapos nun maiintindihan ng lahat ng tao kung bakit ako ganito. Anong nagshape sa pag-iisip ko na maging ganito. Nakausap ko nga nung isang beses yung officemate ni mommy. Sabi nya parang ang strong strong ko raw. Sabi ko parang hindi naman. Mentally tough pala ang ibig nyang sabihin. Sabi ko sa kanya wala naman yun. Marami lang talaga akong pinagdaanan at natutunan sa buhay ko at nakakalungkot lang na it took a lot of time bago ko matutunan yung mga yun. Well, that would be asking too much sa isang tao na bilisan ang progress nya kung mabagal talaga siya. Totoo ngang with age comes wisdom pero parang mas tama yung experience is a great teacher. Babalik na ko sa punto ko kanina. Nahihirapan ako rito mag-isa. It kills me everyday. I try to be happy kasi ayaw kong makita nila akong malungkot at kapag nagsimula na ko mas grabe pang dadanasin ko rito. What gets me through the day e kahit paano natutulungan ko yung mga magulang ko rito at yung kapatid ko kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa ko. Yun lang naman ang kayang kong ioffer sa kanila, or actually kahit kanino. Di ko man sila malibre sa labas, nalulutuan ko naman sila. Di ko man sila mabilhan ng magagarang mga gamit, nalabhan ko naman yung mga damit nila at naitiklop. Same thing sa mga kaibigan ko. Di ko man sila malibre ng pulutuan, mapatawa ko man lang sila na andun ako. E wala naman ako dun, at ngayon, wala namang makagawa nun sakin ngayon. Kaya ayoko ng away, it takes a lot from me. Alam kong mali magcompare pero ako wala akong kasama. Ikaw lang ang kausap ko. Gusto kitang intindihin, pero minsan intindihin mo rin ako. Isipin mo yung mga paliwanag ko sa'yo kung bakit ganito yung mga nararamdaman ko. Take time to think kung anong mararamdaman ko kapag ganito, kapag ganyan. Pero minsan iniisip ko naman wala akong karapatan humingi sa'yo ng kahit ano kasi ikaw yung iniwan ko jan. Ayaw ko naman na ganito ako palagi, na parang sasabog, na pagbibigyan kita kasi ganyan ang naiisip ko kasi walang matitira sakin. Masasaktan ako ng masasaktan kapag ginawa mo yun at di ko sinabi sa'yo na masakit sakin yun. Na importante sakin na gawin mo yun. Hindi ko to sinulat dito para maguilty ka o ano. Gusto ko maintindihan mo na gusto ko ikaw ang makakaalam kapag may problema ako sa'yo. Hindi iba. At ginagawa ko to di dahil wala akong respeto sa'yo kundi sobrang mahal kita.

marnii [1:03 PM]
bahibakk


Wednesday, April 18, 2012

Minsan nalalabuan ako sa telenovela parang konting panahon lang nalalaan sa paghihirap at palaging happy ending. Parang gusto ko na ngang tumigil sa panonood. Minsan nasasayahan ako tas minsan nalulungkot ako ng sobra. Sana may phasing din sa totoong buhay. Yung after 5 years, ganito na. Pero lahat ng tao pinapahirapan ng oras. Minsan kulang sa oras, minsan sobra sa oras. Ang hirap isipin kailan sasakto, ang hirap tanggapin kung di sumakto.

marnii [6:34 AM]
bahibakk


Monday, April 16, 2012

I don't know if I have what it takes for everybody's regular plan.

marnii [2:52 PM]
bahibakk


Thursday, April 12, 2012

Gustong gusto kong pinipikit yung mga mata ko kasi nakikita ko lahat ng bagay na gusto kong makita na hinding hindi ko makikita rito.

marnii [11:22 PM]
bahibakk







ako si marnex. isa akong mungii na mahilig kumain pero
hindi tumataba at mahilig magluto pero
minsan sumasablay!!!:)


Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

onse

sa aking paggising
isa lng ang hiling
iyon ay mkita

at makausap ka
kasabikan t saya ;
aking nadarama

pag asul na sasakyan
aking nabanaagan

tanging dahilan
sa di mapawing saya
ay dumarating na!!


para sa ikabubuti

mundo
tao
buhay,
pananaw,
pagmamahal

lunas
lungkot
galit
puot
sino
tama
respeto
pangarap

pagsubok
tapang
kaibigan
pagiisip
hindimaulit ;;
kasiyahan
hindi
mapawi

SRC="http://www.brainyquote.com/link/quotebr.js">