=(
Sa araw-araw na paggising ko nalulungkot ako dahil sa pending ko na pag-alis. Everytime na may masayang lakad napapatulala ako kasi ito ang mga bagay na mamimiss ko. Di ako sigurado na pagbalik ko meron pang mga ganito, o ito ang mga kasama ko pa rin kung mangyayari ba itong mga lakad na ito ulit. Truly, the future does not promise anything. Kahit pa anong pilit ko, natatakot talaga ako pero one thing I'm sure of ay ayoko na ganito ako palagi. Pabigat. Palamunin. Ayoko ng ganun. Ako lang siguro ang nag-iisip nito pero whenever na nasa bahay ako, I feel na wala akong say sa mga bagay bagay dahil wala naman talaga akong naiiaambag dito sa bahay financially. Kahit pa sabihin ng mga tao na wala lang yung pera, kikitain naman yan, totoo pa rin na money makes the world go round. Sa labas labas, sa gasolina at kahit sa pagpapamilya. Jan ako pinakaconcerned. I want a family so bad na gusto ko nang ifastforward yung buhay ko palagi. I want to have children. I want to have a loving wife, a good house, a dog, a maid. Basta. Ika nga ng mommy ko, tumayo sa sarili kong paa. Ako rin naman ang may kasalanan bat ganito, dapat tapos na ko. I know regrets at this stage won't help me pero I'm just saying. I'm trying to fix my situation at sa tingin ko, matutulungan ako nitong decision ko para malapit ako sa goal ko. I won't skip school. I'm just trying to find a way kung saan makakatulong na ko pero nagsuschool pa rin ako at ito na yun. I may have to sacrifice a lot and people around me will try to sacrifice as well. I'm sorry. If this hurts you or anyone, It hurts more for me.