Self-pity
Ako ang unang taong magsasabing masama magcompare ng sarili mo sa iba kasi generally di naman lahat ng tao ay ginawang parehas. May mga taong ginawa talaga inferior kaysa sa iba. May mga taong mas matalino, may sense kausap o kaya naman mas magugustuhan ng mga kaibigan mo para sayo dahil mas mabagay kayo. Pero in the end, that doesn't mean na inferior ka. Iba lang talaga ang pagkakagawa sayo at siguro may specific kang lugar o purpose para sayo sa mundo.
Gusto ko maging confident sa kung ano ako. Kung san ako magaling at kung san ako kulang. Maybe there are things na di na mababago sakin or di na makikita sakin ng ibang tao. Walang sense para iplease ang lahat ng tao. Pero selfish naman kung wala kang pakialam sa kanila. Mahirap ibalanse yang dalawang yan kasi alam mong parehas makakaaapekto sayo.
Iniisip ko kanina bakit di ko kayang maging poetic, bakit di ko kayang maging mas sensible kausap, bakit ka nasabihan na panginternet lang, anong kinalaman ko dun, may kinalaman ba ko? Kung wala naman, bakit ako natotorete ng ganito? Bakit ba ko ganito? Ano bang kulang sakin? Bakit masyado akong ganito? na seloso or ewan? Bakit feeling ko wala naman talaga akong kakampi sa mga kaibigan mo? Hanggang kailan ba ko ganito? Bakit ako ganito? Paikot ikot lang yung mga naiisip ko na gusto ko na lang mawala. O mawala ng matagal. O ewan. Ewan ko.. Mabait naman ako. I'm not the smartest person around pero meron naman akong mga bagay na pinageexcel-an. Sa tingin ko patient ako. Ewan tama na to antok na ko.