Kumakain ako kanina, iniisip ko lahat ng nangyari. Pero since nanonood ako ng Minsan Lang Kita Iibigin, ang naisip ko e mga gera. Yung pagmamahalan natin, pwede kong ihambing sa mga gera. Parang X-men Origins : Wolverine ang tema. Ang magkapatid na si Wolverine at Sabretooth ay mga mutants na ang special abilities ang regeneratin at maliban dun ay kaya nilang gumawa ng mga weapons gamit ang buto at kuko nila respectively. Pero ang comparison dun, since nakakapagregenerate sila, di sila namamatay. Kaya kahit gaano karaming gera ang daanan nila, magiging ok sila, mga sugat nila ay gagaling. Madami na tayong gerang napanggalingan. Iba-ibang laban ang ating nilaban. Para sa iba-ibang dahilan pero para marating ang iisang bagay lamang ay yun ay magkasama tayo hanggang sa huli. Di ko alam kung ganyan din ang nakikita mo. Ewan ko kung nakasenti mode lang ako ngayon. Pero yung natirang ilaw ko ng pag-asa, nakita kong buhay pa.