What if you meet the love of your life, are you supposed to let them pass you by?
Ito ang inisip ko buong araw. Ang ibang tao, they fight for what they feel given that it's true. One thing I've learned in this
relationship ay you have to keep fighting. Pag gusto, may paraan. Pag ayaw, madaming dahilan. Dapat sa tanda mong
yan alam mo na yan. Tapos ka na. Your time is up, matagal na. Please try to move on with your life. Alam kong sa
gandang lalaki mong yan makakahanap ka pa ng ibang babae. Or pwede rin namang wala ka lang talagang delikadesa
para gawin mo tong ganito. How can someone expect to be friends with someone na you've done wrong. Knowing na
yung ginawa mo might have jeopardized her relationship with another person. Sinabi na sayo na di na pwedeng ganun
eh. Para san pa. Para manlandi? I just don't get it na you don't feel any guilt sa ginawa mo. Kahit pa na alam mo na
di ko alam yun. Mahiya ka naman. Kung sa'yo mangyari yun, I know you would have done something else. Pero di
ako katulad mo. Hanggang dito lang ang kaya kong gawin. Pero minsan, sana I could let this all out. Isang malakas
na suntok, isang malakas na hampas ng tubo sa tuhod. Di ko maintindihan yung galit ko. Galit na galit ako pag
nakikita kita sa FB. Pero pag nakita na kita in person ako pa ang nahihiya. Parang you have that advantage over me.
Na di kita kayang hawakan or anoman. Di ko alam. Looks like I'm booked for weeks of sleepless nights yet again.