Madalas sa umaga sa paglalakad ko sa klase parang ang saya saya maglakad nang maglakad nang maglakad nang maglakad. Parang ang saya sayang maglakad kasi pag naglalakad ka eh naiisip mo lang kung san ka pwedeng dumaan, anong mga gusto mong makita, mga dapat gawin mo, or mga kung ano ano pa na wala naman talagang bigat sa loob mo. Kuha ka lang ng yosi, chill habang naglalakad, may kendi sa loob ng bunganga mo, earphones sa tenga mo. Relaxed ang state ng pag-iisip mo. Para sakin, the moment na hindi na ganito ang paglalakad mo, there must be something terrible that's bothering you. Ewan ko ba kung anong problema ko. Maayos naman ang buhay ko. Hindi naman ako namomroblema sa kakainin ko araw-araw katulad ng mga bata sa kalye. Wala naman akong mga anak na pinapakain. Wala naman akong kapamilyang may malubhang sakit at maaring mamatay na pero araw-araw ambigat ng pakiramdam ko. I'd like to be happy based lang sa simple things tulad ng kulitan ng mga kaibigan ko, or di kaya isang ramdom na babae na "uy ganda nun ah.. " pero syempre joke lang naman yung sa babae. Kasama na jan pag makarinig ako ng salamat sa pag-abot ko ng bayad nila, o di naman kaya sa ngiti ng paborito kong OT sa mundo, o kaya masabihan ako ng ulul ng nanay ko, o kaya pag-uwi ko eh sisiksik sakin si Inu. Masaya na ko dun.
Meron pa naman sigurong mga tao na mas mabigat ang dinadala kay sa sakin. Pero siguro para sakin improtante lang sakin na to not let other people down especially yung mga malalapit sakin. I always try to arrive sa isang point kung saan pwede kaming magcompromise o di naman kaya kung saan ako ang pwedeng magsacrifice kasi believe me, matiisin akong tao. Alam kong namana ko to sa nanay ko. I can endure the hardest things at makakapagjoke pa ko tin the process na genuine talagang natawa ako hindi lang yung sarcasm pero syempre biglang may "boom sakit naman un.". Parang ganun ba. (haha.) Pero syempre mayroong times na nakakatamad nang laging ikaw nagsasacrifice. Eh syempre feeling ko laging ako ang nagsasacrifice unless sinabi sakin. Hindi naman kasi dapat nairarank yun kasi kung sacrifice na sa part nya yun at mahirap na sa kanya yun adi walang dahilan para maicompare yun sa sacrifice nya o kaya sa sacrifice ng iba pang tao.
Ewan ko ba. Baka meron lang ako ngayon. Baka bukas wala na to. Pero I doubt kasi alam ko namang lagi akong mag-isa at para sakin mag-isa=mag-iisip ako ng marami=uulit nanaman itong mga to=malulungkot nanaman ako. Di lang halata sakin na malungkot pero ewan. Siguro that's the problem. Siguro masyado akong kulob.