..
kahapon nag pinakastressful na raw sa buhay ko.. parang natrap ako sa bagay na gusto ko namang gawin pero hindi pa ko handang gawin talaga.. andami ko pang gustong gawin.. ayusin.. pero parang wala na kong choice.. sabi nga ni mr.cope ayaw nya na raw magbayad para sa school.. sabi naman ng isa pang recruiter, bakit pa raw ako babalik.. eh pwede ko namang ituloy ng libre yung school ko dito habang nasa army ako.. onga naman.. wala akong laban dun sa argument na yun maliban na lang na gusto ko talagang makakuha ng diploma na may UP na nakasulat dun di isang US school.. parang ewan ko ba.. di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanila.. iisipin ng mga yun na malabo akong kausap.. na pinaikot ikot ko lang sila.. actually nung umpisa ay excited talaga ako.. pero as the days went by parang nawalan ako ng gana.. every night na naiiwan ako magisa, i finding out na hindi talaga ako ready.. i want it but not right now.. i need to fix a lot of things.. a LOT.. acads, relationships, etc. parang nagkasabay sabay na sya dahil lahat ng mga to ay related sa future.. pero parang ngayon ay di na ko talaga naniniwala na dapat ay isipin mo ay present.. kasi imposible talaga na hindi mo isipin ang future..
parang pag naiisip ko to.. parang ambigat bigat ng dibdib ko.. i feel awkward pag kasama ko yung mga tao dito.. they expect too much from me.. maybe because ako to.. siguro dahil andami nilang gusto kong maabot.. well di ko naman sila masisisi.. pero these things happen too fast for me.. or di ko lang natantsa na andito na pala sya.. nabigla ako sa bilis.. nabigla ako kung paano nila pinupush kung ano ang dapat sakin.. well alam ko na parents are like that.. they want the best for their kids.. pero sabi nga sakin ni mr.cope ako naman daw talaga ang bahala.. kaya lang wala lang talagang logic sa kanila na gumastos pa para sakin.. parang naramadaman ko na kung ano ang naramdaman ni james nung sinabi sa kanya yun.. actually di pa nga sakin lang sinabi or samin.. sa harap pa ng mga recruiters ko.. ano ba naman ang laban ko.. dependent ako.. wala akong pera.. di ko pinapaaral ang sarili ko.. sabi nung isang recruiter this is the chance for you to be independent.. siguro ayaw ko lang maging independent pa.. or ayaw ko lang maging independent dito.. siguro paguwi ko at naayos ko na to.. maghahanap na ko ng trabaho.. kahit sa mcdo kahit sa jollibee kahit saan.. para man lang gumaan yung pakiramdam ko.. para man lang kahit pano magkasilbi ako.. para man lang kahit paano magkaroon ako ng karapatan para ipagtanggol ko kung anong gusto kong mangyari o gawin kahit pa hindi logical yung ginagawa ko.. takot lang siguro ako sabihin na hindi ka pa ko ready dahil ayaw kong madisappoint nanaman sila sakin.. lalo na si mr.cope.. madami na silang nagawa para sakin at ako parang wala pa naman akong nagawa para sa kanila.. mabigyan ko man sila ng mga kung anoanong regalo.. kung anoanong kabulastugan.. parang wala naman yun.. kasi ang alam ko lang na makapagpapasaya sa kanila ay acads ko or joining the army which is where i'm sucking at right now..
sana kahit man lang makakuha ako ng 2 years.. at max.. kahit yun lang.. ok na sakin.. wag lang una ngayon..