actually di ko alam bat ako nagsusulat dito.. ewan ko kung bakit ako nagstart ulit magsulat dito.. anyway sobrang init dito.. naisip ko sobrang hinintay ko talaga at winish ko na magkaroon ng araw na ganito.. na mainit.. na hindi ako mangangatog habang naglalaro ng basketball sa labas.. na finally mas maeenjoy ko magdrive na nakababa yung bintana ko at hinahangin yung buhok ko.. well.. ito na yung araw na yun.. mataas ang araw.. mainit.. pinagpapawisan na ulit ako ngayon.. at di masyadong mahangin.. masaya maglaro ng basket.. pero hindi.. masakit sa balat yung init.. akala ko pagkakita ko sa weather report kanina at may nakita akong "HOT" under dun sa lugar nung richmond ay ok ngayon.. well hindi.. sayang.. siguro minsan ganun talaga.. winiwish mo lang.. naeexcite ka makuha.. at pag nakuha mo na.. malalaman na hindi worth it yung paghihintay mo.. ang excitement mo.. ang thirst mo.. at pag nakalimutan mo na ulit yung desire mo jan.. mamimiss mo.. at anjan nanaman ulit.. another disappointment.. minsan naiisip ko na I should focus sa mga bagay na kailangan ko.. hindi yung mga gusto ko.